Mayor Joy tutulungan ang mga naapektuhan sa pagsasara ng Colegio de San Lorenzo
MANILA, Philippines — Tutulungan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga estudyante, magulang, guro, at mga empleyado na naapektuhan ng pagsasara ng Colegio de San Lorenzo sa lungsod.
Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos ang biglaang anunsyo ng naturang paaralan nang pagsasara dahil sa financial instability dulot ng pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Belmonte, inatasan na niya ang City Legal Department na pinamumunuan ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro para alamin kung paano matutulungan ng lokal na pamahalaan ang hinaing ng mga naapektuhan sa pagsasara.
“We will extend all possible assistance to the students and parents, especially since the school year has started. We shall help in coordinating with other schools, colleges, and universities where affected students can transfer with their credentials credited. We need to ensure that no student will encounter any delay in their studies, especially the graduating or senior ones, and that their refund will be given quickly. The teaching and administrative personnel should also be taken cared of,” pahayag ni Belmonte.
Nakipagpulong na si Casimiro sa mga kinatawan ng Colegio de San Lorenzo hinggil dito.
Sinabi ni Belmonte na may mga eskwelahan na ang nagpahayag na handang tanggapin ang mga estudyante ng nagsarang paaralan
Ani Belmonte, ang Quezon City University ay bukas na tanggapin sa kanilang tatlong branch lalo na ang mga graduating students.
“The QCU will welcome the college students of CDSL and we will help in crediting their classes and helping them have a smooth transition to our university,” pahayag ni QCU President Dr. Theresita Atienza.
Samantala, i-eendorso naman ang mga guro at mga non-teaching personnel sa QC - Public Employment Service Office para sa posibleng e financial assistance o mahanapan ng trabaho sa Quezon City.
- Latest