PNP-AKG nakatutok sa pagkawala ng Pharma exec

MANILA, Philippines — Mahigpit na tinututukan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang kaso ng pagkawala ng 50-anyos na Pharmaceutical Chief Executive Officer noong nakaraang buwan sa Taguig.

Ayon kay Brig. Gen. Rudolph Dimas, director of the Anti-Kidnapping Group (PNP- AKG), sa katunayan ay may persons of interest na sila sa kaso subalit hindi nila maaaring ibunyag.

Sinabi ni Dimas na nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya, kaibigan at kasamahan sa trabaho ng biktima.

Wala pa ring natatanggap na ransom demand ang pamilya ng pharma executive.

Aniya ang lahat ng anggulo ay kanilang sisiyasatin upang matukoy ang motibo.

Dinukot ang biktima noong Hulyo 19 sa Bonifacio Global City Taguig.

Makalipas ang ilang araw natagpuan sa San Luis Pampanga ang Toyota Land cruiser ng biktima na sunog.

Show comments