Kelot sa identity theft, arestado

Kinilala ni ACG director Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding ang suspek na si Christian Sanchez, Jr., na nahuli sa entrapment operation matapos ireklamo ng isang lalaki na nagsabing ang suspek ay gumagamit ng kanyang mga litrato at pagkaka­kilanlan sa ilegal na aktibidad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Police Anti Cybercrime Group ang isang lalaking online seller na inakusahan ng identity theft sa Mandaluyong.

Kinilala ni ACG director Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding ang suspek na si Christian Sanchez, Jr., na nahuli sa entrapment operation matapos ireklamo ng isang lalaki na nagsabing ang suspek ay gumagamit ng kanyang mga litrato at pagkaka­kilanlan sa ilegal na aktibidad.

Bago gamitin ang kanyang pangalan, sinabi ng biktima na na-block siya ng suspek sa Facebook nang magbayad siya kay Sanchez ng kalahati ng P3,900 na kabayaran sa cellphone ng suspek na naibenta sa Facebook Market.

Ang biktima ay nagtungo sa ACG nang malaman na ginagamit na pala ng suspek ang kanyang identity sa pagbebenta ng iba’t ibang uri ng gadgets sa online.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa suspek ang P1,200 marked money at isang cellphone.

Show comments