^

Metro

Babae todas matapos tadtarin ng saksak ng selosong kinakasama sa QC

Philstar.com
Babae todas matapos tadtarin ng saksak ng selosong kinakasama sa QC
A silhouette of a man carrying a knife.
CC0 Creative Commons

MANILA, Philippines — Dead on arrival ang inabot ng isang babae sa Quezon City matapos tadtarin ng saksak ng kanyang kinakasama dahil umano sa selos. 

Kinilala ng mga awtoridad ang 23-anyos na biktimang si Lory Joy Laman na nagtamo ng limang saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. 

Nakatakbo pa ang biktima sa kanyang pinagtatrabahuhang kumpanya kahit pa puro saksak at duguan at doon humingi ng tulong. 

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit ideneklara ring dead on arrival.

Samantala mismong mga kaanak ng suspek ang nagsuko sa kanya kaya mabilis siyang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation sa Cavite. 

Crime of passion daw ang motibo ng pananaksak ng 19-anyos na suspek ayon sa mga awtoridad. 

“Pero lumalabas sa ating pagiimbestiga na the day prior eh dala na niya at hawak niya itong murder weapon na ginamit niya sa pananaksak sa biktima natin," ani Pol.

Lt. Col. Mark Julio Abong, hepe ng QCPD CIDU sa ulat ng Teleradyo, Huwebes.

Nabigla lang raw umano ang suspek sa nagawang krimen na aminadong sinasaktan ang kinakasama. 

“Pinagtatanggol niya po yung lalaki niya, kumbaga tinataboy niya po ako, (sinasabi niya) umalis ka na dito hindi na kita kailangan. Masakit po sa akin, walang wala ako, siya lang nakasama ko sa dalawang taon,” ani ng suspek sa ulat ng Teleradyo. 

Hindi naman matanggap ng mga magulang ng biktima ang pagkamatay ng breadwinner ng pamilya.

“Masakit po ang loob ko, hindi ko tanggap ang ginawa niya sa anak ko kasi wala naman kaming ginawang masama sa kanya,” ani Lorenzo Laman, ama ng biktima sa ulat ng Teleradyo. 

Kasong murder ang kakaharapin ng suspek na kasalukuyan nang nakakulong. — Philstar.com intern 

CRIME OF PASSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with