^

Metro

Modus nabuko: Ambulansya ginagamit na pampasada 

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Modus nabuko: Ambulansya ginagamit na pampasada 
Ang nasabat na ambulansya na ginagamit na pampasada.
CTTO

MANILA, Philippines — Isang ambulansya na ginagamit umanong pampasada ang natiketan ng I-ACT Task Group –Special Operations Unit (SOU) sa Macapagal Boulevard, sa Pa­rañaque City, kamakalawa ng umaga

Nabatid mula sa ulat ni I-ACT SOU Commander Ret. Colonel Manuel Bonnevie, ilang araw na isinailalim sa surveillance ng Inter Agency Council For Traffic Special ­Operations Unit Team Alpha, kaya nabuko ang modus operandi ng driver ng ambulansya na kinilalang si Augusto Nazareno ng Rosario, Cavite.

Sa pangunguna ni Ret. Col. Bonnevie, hinarang ang ambulansiya sa Macapagal Boulevard, sa Pa­rañaque City  na markado pa logo ng  “Republic of the Philippines-Department of Health” na may sampung  pasahero  kabilang ang isang sanggol na nagsisiksikan sa loob.

Nang tanungin, iba-iba umano at hindi magkakatugma ang sinasabing destinasyong ospital ng mga sakay at wala ring masabi ang driver kung saang ospital mag­hahatid.

Kinuwestiyon din ang driver dahil sa walang akmang suot na personal protective equipment, walang seat belt at walang rehistro ng ambulansya.

Pinababa ng mga operatiba ang lahat ng sakay ng ambulansya at kinumpiska ang lisensya ng driver.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng I-Act ang lahat ng emergency vehicle operators sa bansa na maging tapat sa tungkulin, sumunod sa mga panuntunan ng nasasakupang ahensya ukol sa paggamit nito.

Hinihikayat din ng task force ang lahat ng road users na magbigay-daan pa rin sa lahat ng emergency vehicles lalo na kapag nakabukas ang lights at mga sirena.

May malaki naman umanong pananagutan sa batas, ang sinumang hindi magbibigay daan sa mga emergency vehicle.

SOU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with