^

Metro

Ammonia, sumingaw sa iceplant sa Navotas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang ammonia leak sa iceplant sa Navotas City ang naganap kamakalawa ng gabi.

Sa report ni PCpl Dandy Sargenton kay Navotas police chief Col. Dexter Olla­ging, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa Magsimpan Ice Plant and Cold Storage Inc. na matatagpuan sa kahabaan ng M Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Ayon kay Roey Ganzo, in-charge maintenance ng naturang planta ng yelo, nag­lilinis siya ng natitirang liquid sludge nang mapansin niya ang malakas na amoy ng ammonia sa loob ng residential area ng nasabing ice plant.

Kaagad silang umalis sa loob ng naturang lugar saka humingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Navotas police.

Mabilis namang rumes­ponde sa naturang lugar ang Navotas Police Sub-Station 4, at Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni F/Insp. Gabriel Trinidad.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente habang ayon kay BFP investigator SFO2 Junie Bert Mendoza, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

AMMONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with