Saudi Airlines dumausdos sa damuhan sa NAIA Terminal 1

MANILA, Philippines — Nabulabog ang Manila International Airport Authority Fire and Rescue Division matapos itong rumesponde sa emergency call ng Saudia Airlines flight.

Ayon sa ulat, ang eroplano ng Saudia Airlines flight SV862  ay lumapag sa Runway 06-24 ay dumausdos sa madamong bahagi ng Taxiway Charlie habang papunta sa parking bay ng NAIA Terminal 1.

Ligtas ang lahat ng sakay ng eroplano na 420 passengers at crew.

Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, na walang naapektuhang flight operatios sa apat na terminal ng NAIA.

Show comments