^

Metro

AWOL na pulis arestado sa carnapping

v - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang AWOL (Absent without leave) na pulis na itinuturing na top 4 most wanted sa Sta. Mesa, Maynila dahil sa kasong carnapping, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang inaresto na si P/Cpl Richard Antonio, 32, binata, dating nakatalaga sa  District Personnel Holding and Accounting Section( DPHAS) ng Manila Police District at residente ng   Ang Buhay St., Sta. Mesa.

Sa ulat ng MPD- Sta. Mesa Police Station 8, alas-9 ng gabi nang arestuhin si Antonio habang nakais­tambay sa harapan ng barangay hall ng Brgy. 597 Zone 56 sa Sta. Mesa.

Pumalag ang pulis sa ginawang pagposas sa kaniya ng mga kapwa pulis ngunit hindi na nakaimik nang ihain sa kaniya ang warrant of arrest dahil sa kasong carnapping na inisyu ni Judge Maria Paz Rivera Reyes-Yzon ng Manila Regional Trial Court Branch 54.

Inirekomenda naman ang P300,000 piyansa para sa pan­samantalang paglaya ni Antonio sa kinakaharap na kasong pag­labag sa Republic act 10833 (New Anti-Carnapping Law).

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with