^

Metro

Pasyente sa NKTI, umaapaw

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apaw at lampas na  sa  kapasidad ang  mga pas­yente  ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Ayon kay NKTI executive director Dr. Rose Liquete, dahil sa rami ng kanilang pas­yente, naililipat na nila ang ibang pasyente  sa ibang ospital .

“Nitong linggo nga, kailangan namin mag-decongest. Maglipat kami ng ibang pasyente sa ibang ospital, lalo na sa Tala Hospital. At saka nagbukas na rin kami ng gym. Kasi sobra na sa 3 times capacity namin last week,” sabi ni ni Liquete.

Sa ngayon anya ay limitado na ang pagtanggap nila ng pasyente dahil puno na sila sa kapasidad ng mga pasyente kahit na nabuksan pa ang kanilang gym para mapalawak ang serbisyo.

Bukod anya sa kakulangan sa espasyo para sa mga pasyente ay kulang din sila sa mga nurse na magsisilbi sa mga pasyente.

“Sa ngayon, para sana ma-break even man lang kami, 90 ang kailangan namin na nurses. So, marami nang umalis, medyo kaunti lang ang nag-aapply,” dagdag ni Liquete.

NKTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with