^

Metro

Hiling na taas-pasahe ng LRT-1, tablado pa rin sa DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Hiling na taas-pasahe ng LRT-1, tablado pa rin sa DOTr
Commuters wait on the platform of the Light Rail Transit-Line 1 (LRT1) Doroteo Jose Station in Manila for a train on Friday night (January 29, 2022) as the Light Rail Manila Corporation announced on the billboard of the station that there will be no operations of the LRT1 on January 30 to make way for the upgrading of their signaling system.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Wala pa ring magaganap na taas-pasahe sa linya ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) matapos na hindi pa rin mapagbigyan ng Department of Transportation (DOTr) ang fare hike request ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang private operator nito.

Ang pahayag ay ginawa ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan, kasunod nang paghahain ng kaso ng LRMC laban sa DOTr at Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) nitong unang bahagi ng buwan, dahil sa umano’y kawalan nito ng aksyon sa kanilang fare adjustment applications at umano’y pagkabigong ma-meet ang iba pang istipulasyon ng kanilang concession agreement.

Nabatid na humihingi ang LRMC ng P2.67 bil­yong halaga ng kumpensasyon, base sa isinagawang estimates hanggang noong Marso 31.

Anang naturang private operator, ‘long overdue’ na ang naturang fare hike dahil tatlong ulit na umano nila itong hiniling noong mga nakalipas na taon.

Sinabi pa ng LRMC na ang taas-pasahe na hinihingi nila ay makatutulong sa kumpanya upang mabawi ang kanilang investments para sa isinagawang LRT-1 enhancements at ekstensiyon ng railway hanggang sa Cavite area.

Nabatid na sa kasalukuyan, ang halaga ng pasahe sa LRT-1 ay mula P15 hanggang P30 lamang.

Ayon naman kay Batan, hindi pa rin nila mapagbigyan ang kahili­ngan ng LRMC na magtaas ng pasahe, bunsod na rin nang patuloy na pagtaas ng consumer prices.

Tiniyak naman ni Batan na pinag-aaralan pa ng DOTr sa ngayon ang susunod na hakbang hinggil sa kasong inihain ng LRMC.

LRT1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with