^

Metro

Oplan Greyhound sa Quezon City Jail: ‘Armory’, kontrabando at marijuana, nakumpiska

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Oplan Greyhound sa Quezon City Jail: ‘Armory’, kontrabando at marijuana, nakumpiska
Sumiklab ang riot sa Quezon City Jail noong Mayo 13 kung saan ilang mga bilanggo ang iniulat na nasugatan sa naganap na kaguluhan.
Jesse Bustos / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isang ‘armory’ ng iba’t ibang uri ng deadly wea­pons, mga kontrabando at aabot sa 700 gramo ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska ng mga mga awtoridad sa ikinasang ‘Oplan Greyhound’ sa loob ng Quezon City Jail.

Batay sa ulat ng Quezon City Jail nitong Miyerkules, nabatid na ang Oplan Greyhound ay ikinasa bunsod na rin sa naganap na riot noong Mayo 13, na nagresulta sa pagkamatay ng isang preso at pagkasugat naman ng siyam na iba pa.

Tinawag itong staged riot ng mga otoridad dahil base sa natanggap nilang intelligence report, isang grupo o ang Batang City Jail lamang, ang nagpasimula ng kaguluhan.

Layunin anila nitong mapatalsik sa puwesto si Jail Warden JSUPT Michelle Ng Bonto at  malaya silang makapagbenta ng ilegal na droga sa loob ng bilangguan.

Anang mga awtoridad, ito na ang pinakamaraming kontrabandong nakumpiska nila sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory.

“The discovery of the accurate location of the armory and storage area for illegal drugs was the result of the series of several months of covert operations in finding out the extent of the illegal drug trade in jail, realized through the strong support and mandate of the QC LGU Hon. Mayor Joy Belmonte for Drugfree Quezon City and the positive collaborative partnership of the BJMP-NCR thru its Regional Director JCSUPT Luisito Muñoz at Quezon City Police District (QCPD) District Director PBGEN Remud Medina,” ayon sa QC Jail.

 

QUEZON CITY JAIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with