^

Metro

2 dalagita na ‘ibinubugaw’ nasagip

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang menor-de- edad na ibinubugaw ng isang binatilyo ang nasagip sa isinagawang entrapment operations ng mga pulis ng Malabon City, kahapon.

Ayon kay Malabon City police chief P/Col. Albert Barot, kapwa out of school youth ang dalawang dalagita na ibinubugaw naman ng 16-anyos na binatilyong tubong Catbalogan, Samar. Nakapiit ito ngayon sa Malabon City detention cell.

Aniya, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Malabon Sub-Station 1 noong Linggo ng gabi kaugnay sa ginagawang pagbebenta ng aliw ng dalawang dalagita na ang ginagawang tambayan ay sa loob ng isang bantog na fast food restaurant sa kanto ng McArthur Highway at Lanzones St. sa Brgy. Potrero.

Gayunman, nang magtungo ang mga pulis sa naturang fast food restaurant, wala silang inabutang mga nakatambay na kababaihan kaya’t ipinasa nila ang impormasyon sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon police station.

Isang pulis ang nagpanggap na kostumer at naghahanap ng mga kababaihang nag-aalok ng panandaliang aliw habang naka-antabay na sa loob ng sikat na fast food restaurant ang mga tauhan ng WCPD at Station Investigation and Detective Ma­nagement Section (SIDMS).

Nang magkasundo sa transaksiyon, agad inaresto  ang binatilyo matapos tanggapin ang markadong salapi na may kabuuang P6,000.00 kapalit ng dalawang babaing kanyang ibinubugaw.

Nasagip din ng pulisya ang dalawang menor-de-edad na dalagita na kaagad isinailalim sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) ng Malabon City habang nasa protective custody na rin ng naturang tanggapan ang naarestong binatilyo matapos iprisinta sa piskalya para sa inquest proceeding kaugnay sa kasong paglabag sa R.A. 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na kanyang kakaharapin.

MENOR DE EDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with