^

Metro

Sunog sumiklab sa polling precinct sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa polling precinct sa Maynila
Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Department, dakong alas-8:52 ng umaga nang mag-um­pisa ang apoy at nagawa rin namang agad na maapula ng mga bumbero dakong alas-9:04 ng umaga. Naantala ang pagboto sa presinto nang magtakbuhan ang mga taong nakapila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naapektuhan ang botohan sa isang ‘polling precinct’ sa Aurora Elementary School sa San Andres, Maynila nang sandaling sumiklab ang isang apoy dulot ng electrical wiring.

Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Department, dakong alas-8:52 ng umaga nang mag-um­pisa ang apoy at nagawa rin namang agad na maapula ng mga bumbero dakong alas-9:04 ng umaga.

Naantala ang pagboto sa presinto nang magtakbuhan ang mga taong nakapila.

Kinailangan din na ilabas sa gusali ang mga ‘vote counting machines (VCMS)’ para mailigtas sa sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, faulty wiring ng isang ceiling fan na nasa Room 234 ang dahilan ng apoy.

Naibalik naman ang botohan dakong alas-11 ng umaga sa auditorium ng paaralan.

VCMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with