Aika Robredo nagpasaklolo sa NBI sa pekeng ‘sex videos’

This April 2022 photo shows, Aika Robredo, the eldest daughter of Vice President Leni Robredo conducting house-to-house campaign.
Aika Robredo/Facebook

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Aika Robredo, anak ni Vice President Leni Robredo, ukol sa kumalat na mga ‘URL links’ ng mga pekeng sex videos na itinuturo siya.

Nais ng kampo ni ­Robredo na matunton at panagutin ang mga taong nasa likod nang pagpapakalat sa internet ng malaswang mga video na layon umanong bahiran ng masama ang kanyang imahe.

Nabatid na Abril 11 nang kondenahin ng kampo ng mga Robredo ang nagsulputang mga URLs na sinasabi ang laman nito ay sex video ni Aika, ngunit kapag bubuksan ay dadalhin ang user sa mga ‘adult site’ na mga dayuhan ang bida.

Sumulat na ang mga abogado ni Robredo sa NBI-Cybercrime Division para suriin ang 60 URLs na naglabasan, tukuyin ang pinagmulan nito, kilalanin ang mga nasa likod at panagutin base sa batas.

Kapag may resulta na ang imbestigasyon, nangako ang kampo ni Robredo na sasampahan ng kaso ang mga taong nasa likod nito.

Show comments