2 day number coding ng MMDA, tinutulan
MANILA, Philippines — Tinutulan ng isang mambabatas ng Partylist ang panukalang dalawang araw na number coding ban ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong “ Ordanes na sa halip na ipatupad ang 2 araw na number coding ban sa mga behikulo ay dapat bawasan na lamang ng pamahalaan ng 50% ang mataas na bayarin sa toll fee sa Skyway at iba pang mga roadways.
“This way, traffic congestion can be truly eased at ground level because a substantial number of vehicles will instead use the elevated roads.
The new MMDA scheme should be opposed in the proper court so it will be aborted”, pahayag ni Ordanes, Vice Chairman ng House Committee on Metro Manila Development.
Ayon kay Ordanes, tutol siya sa panukala ng MMDA sa pagpapatupad ng 2 araw sa loob ng limang weekdays na number coding scheme dahilan pagkakait ito ng paggamit ng mga pangunahing highway na pag-aari ng gobyerno na walang tamang proseso ng MMDA na isang ahensya ng pamahalaan at hindi naman rule making authority at walang kapangyarihan sa lehislasyon ng batas.
Inihayag ni Ordanes na mismong ang mga motorista ay hindi naiibigan ang number coding scheme ng MMDA dahilan tatlong araw lamang ng mga ito sa halip na limang araw na workweek magagamit ang kanilang mga behikulo.
- Latest