2 bebot timbog sa P2.7 milyong shabu sa Makati
MANILA, Philippines — Nasa P 2.7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang babae sa isinagawang buy-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Makati City Police chief P/Colonel Harold Depositar, dinakip ang mga suspek na kinilalang sina Baby Madonna Vivero, 36; at Maria Sandra Esponilla, 36, dakong alas -10:30 ng gabi sa Burgos Extension, Brgy. Poblacion, Makati.
Gamit ang isang genuine P1,000 bill at 499 piraso ng boodle money, nakabili ang mga operatiba ng halagang P500,000 shabu, kaya inaresto at nakumpiskahan pa ng iba pang plastic sachet ng shabu na sa kabuuan ay umaabot sa P2,700,000.00.
Inihahanda na ang pagsasailalim sa inquest proceedings sa mga babaeng suspek sa Makati Prosecutor’s Office sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest