^

Metro

Umihi sa pedicab, namaril nang sitahin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinutugis ang dalawang lalaki na bumaril at nakapatay sa isang lolo na may-ari ng pedicab na kanilang inihian, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Danilo Florida, 63, pedicab driver at nakatira sa Arellano St., Malate. Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa tumakas na salarin.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, unang nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Florida at ng isa sa dalawang suspect nang sitahin ng una ang mga huli dahil sa pag-ihi sa ipinapasada niyang pedicab.

Naglabas ng patalim ang suspek ngunit naawat sila ng mga rumespondeng tauhan ng barangay. Umalis ang salarin ngunit pinagbantaan ang biktima na babalikan.

Dakong alas-8 ng gabi nang bumalik nga ang salarin na may kasama nang isa pang lalaki. Nang makita si Florida, agad itong binaril saka mabilis na nagsitakas lulan ng dalawang bisikleta.

Isinugod naman ng mga kaanak ang biktima sa Ospital ng Maynila ngunit idineklara na siyang walang buhay dakong alas-8:30 ng gabi nang duma­ting sa ospital.

PEDICAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with