Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, patuloy sa pagbaba

MANILA, Philippines — Lalo pang bumagal ang hawaan ng COVID-19 sa Quzeon City sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon ito sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng pamahalaang lungsod matapos ang pakikipag-ugnayan sa OCTA Research Group.

Ayon sa OCTA, patuloy na bumababa ang bilang ng bagong kaso ng COVID sa lungsod.

Batay ito sa Oktubre 12 na datos ng Department of Health (DOH) at ng CESU.

Ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay 0.64 kung saan muli itong bumaba mula sa nakaraang linggo.

Ito ay mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.

Show comments