Anak ni Olivarez, sasabak na rin sa pulitika

MANILA, Philippines — Pumasok na rin sa la­rangan ng pulitika ang anak ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, na tumatakbo sa pagka-konsehal ng unang distrito ng lungsod, para sa May 2022 elections.

Sa ilalim ng PDP-Laban, si Paolo Olivarez, panganay na anak ng kasalukuyang alkalde, ay nagnanais na makaupo bilang konsehal, para humalili naman kay first district Coun. Joan Densing, na nasa huling termino na.

Ngayong araw ay inaasahang maghahain ng certificate of candidacy (COC) si  Paolo, isang civil engineer.

Ang mga nabanggit ay pawang ka-tiket ni Rep. Eric Olivarez, na papalit naman sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Edwin Olivarez, at running mate na si  Guada Golez.

Si Paolo ay 31-anyos binata at nagtapos bilang magna cum laude sa Western Michigan University noong  2012 at isang US-NCAA Division champion sa larong  tennis.

Kasalukuyang chief operations officer  si Paolo ng Olivarez Homes at Olivarez Plaza sa  Laguna. 

Show comments