Miyembro ng notoryus na criminal group sa Pateros, timbog

MANILA, Philippines — Swak na sa kulungan ang isang miyembro ng Vargas Criminal Group na sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga at pagnanakaw sa erya ng Pateros nitong Biyernes.

Kinilala ni Southern Police District Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si Zaldy Mendoza Salvador, 40, miyembro ng Vargas Criminal Group at kabilang sa Unified Drugs Watchlist ng Pateros.

Sa ulat ng Pateros Drug Enforcement Unit, nadakip si Salvador sa buy-bust operation  ng Pateros DEU nitong Setyembre 24, dakong alas 7:20 ng gabi sa kanto ng Almeda Street at Rosal St., Brgy. Sto. Rosario-Silangan, Pateros.

Narekober kay Mendoza ang dalawang plastic sachet ng shabu na may timbang na 2 gramo na may street value na P13, 600 at P500 bill na marked money.

Show comments