MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID- 19 si Caloocan City Mayor Oca Malapitan.
Sa kanyang official statement, sinabi ng alkalde na ikinalulungkot niya ang kanyang kondisyon subalit nasa maayos na siyang kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling.
Ayon kay Malapitan, patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin at mandato upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga residente ng Caloocan.
Mananatili umano siyang nakaantabay sa mga nagaganap at pangyayari sa lungsod habang gayundin ang komunikasyon sa mga iba’t ibang sangay ng ating pamahalaan.
Hinihikayat ni Malapitan ang kanyang mga close contact nitong mga nakaraang araw na kaagad magself-quarantine at sumailalim sa swab test.
Maaaring sumailalim sa libreng RT-PCR test para sa mga mamamayan. Kailangan lamanf nakipag-ugnayan sa City Health Department o sa Barangay Health Center na nakakasakop sa kanila o tumawag sa sumusunod na COVID-19 hotlines: 09668274519 / 09478834430.