^

Metro

Mayor Malapitan nagpositibo sa COVID- 19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa CO­VID- 19 si Caloocan City Mayor Oca Malapitan.

Sa kanyang official statement, sinabi ng alkalde na ikinalulungkot niya ang kanyang kondisyon subalit nasa maayos na siyang kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling.

Ayon kay Malapitan, patuloy niyang  gagampanan ang kanyang tungkulin at mandato upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga residente ng Caloocan.

Mananatili umano siyang  nakaantabay sa mga nagaganap at pangyayari sa lungsod habang gayundin ang komunikasyon sa mga iba’t ibang sangay ng ating pamahalaan.

Hinihikayat  ni Malapitan  ang kanyang mga close contact nitong mga nakaraang araw na kaagad magself-quarantine at sumailalim sa swab test.

Maaaring sumailalim sa  libreng RT-PCR test para sa  mga mamamayan. Kailangan lamanf nakipag-ugnayan sa City Health Department o sa Barangay Health Center na nakakasakop sa kanila o tumawag sa sumusunod na COVID-19 hotlines: 09668274519 / 09478834430.

vuukle comment

OCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with