MANILA, Philippines — Inilunsad ni Manila 3rd District Cong. John Marvin “Yul Servo” Nieto ang ‘Kusina Manileño na naglalayong maserbisyuhan ang mga residente ng Maynila sa simpleng pamamaraan.
Ayon kay Nieto, ang mobile kusina na ‘Kusina Manileño’ ay nagsimula nang maglibot sa ilang barangay sa distrito 3 noong Huwebes upang mamahagi ng libreng pagkain.
Kabilang sa mga ito ay ang Barangay 329 Zone 33 ni Chairman Antonio Navarro na nabigyan ang 150 pamilya at Barangay 390 Zone 40 ni Chairman Danilo Cailes na 168 pamilya ang ayudahan.
Bagama’t maliit na bagay lamang ang pagseserbisyo ng ‘Kusina Manileño’, umaasa si Nieto na makatutulong ito ng malaki ngayong nasa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.
Ang ‘Kusina Manileño’ ay iikot sa buong Maynila upang maghatid ng pagkain sa mga residente na sumusunod sa ipinatutupad na health standards at safety protocols.