P149k shabu nasamsam sa buy-bust

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P149,600 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang 26-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Parañaque City Police Station sa Brgy. Moonwalk,  Parañaque City nitong Martes.

Kinilala ni Southern Police District Director P/Brig. General Jimili L Macaraeg  ang suspek na si Limudin Mamoro Danial, residente ng Brgy. San Dionisio ng nasabing lungsod.

Dakong alas-9:30 ng gabi ng Agosto 3 nang dakpin ang suspek sa Manggahan Compound, Multinational Village, Brgy. Moonwalk, ParañaqueCity ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit  (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Brent Ian S Salazar.

Nakumpiska sa kaniya ang isang sachet na nabili ng poseur-buyer at apat pang sachet, sa kabuuang 22 gramo na may street value na 149,600.

Narekober din ang marked money, isang 9 MM kalibre pistola, magazinena may 5 bala.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Show comments