MANILA, Philippines — Umabot na sa 89 na barangay ang nasa ilalim ng localized enhanced community quarantine (LECQ) sa lungsod ng Pasay.
Batay sa datos na inilabas ng Pasay City Administrator kahapon na nakuha mula sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), nadagdagan pa ng 35 barangay ang isinailalim sa LECQ, bukod sa 54 brgys.
May kabuuang 462 naman ang kaso ng coronavirus diseases mula sa 89 barangay, na pawang magkakasama sa bahay ang tinamaan mula 101 households.
Una nang isinailalim sa LECQ noong Pebrero 25, 2021 ang 56 na barangay dahil sa cluster of cases at mabilis na pagtaas ng mga kaso sa loob ng 14 na araw.
Marso 2, 2021 nang madagdagan pa ang 56 ng 21 barangay na inilockdown na umakyat sa 77 barangay
Marso 6, nang i-lift sa LECQ ang 20 barangay na natira pa ang 57, na muling nadagdagn nitong Marso kaya nauwi sa 60 barangay ang nanatili sa LECQ.
Nitong Marso 10, anim na barangay naman ang nai-lift sa LECQ subalit kamakalawa ay nadagdagan pa ang 54 na barangay ng 35 kaya may kabuuang 89 na barangay kahapon ang nasa LECQ.