Hindi sumunod sa health protocols
MANILA, Philippines — Dalawang bar sa Makati ang sinalakay ng mga awtoridad kung saan nasa 60 hanggang 70 katao ang sinita at tinikitan dahil sa hindi pagsunod sa pinaiiral na health protocols.
Nabatid kay Lt. Exequiel Caluya, Deputy Sub Station Commander ng Poblacion Police Community Precinct na nakipag-ugnayan sa kanila ang Makati Public Safety Department na siyang lead unit bago nila isinagawa ang raid kahapon ng madaling araw.
Dalawang high end bar ang tinungo ng pulisya kung saan natuklasan ang hindi nasusunod na health protocols partikular ang physical distancing.
Hindi naman ikinulong ang mga kostumer na kanila lang tinikitan at kailangang magbayad ng P1,000 multa.
Hindi pa malinaw kung ipapasara o anong kaso ang posibleng iharap sa dalawang ni-raid na bar.