^

Metro

P100K multa sa ice plant sa ammonia leak sa Navotas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot lamang sa P100,000 ang maaaring ipataw na multa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ice plant sa Navotas City dahil sa nangyaring ‘ammonia leak’ na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang katao at pagkaka-ospital sa 96 na iba pa.

“Kung sakaling lumabas na may paglabag sa standard natin sa occupational safety and health standard, nag-i-impose po ang DOLE ng administrative fine for noncompliance to standard that will result to grave injury or death,” ayon kay Noel Binag, exe­cutive director ng DOLE Occupational Safety and Health Center.

Sinabi niya na base sa batas, dapat may nakatalagang ‘safety officer’ na sumailalim sa ‘occupational safety and health training’ ang bawat kompanya. 

“Meron po silang interventions or controls in place in case of emergency, ‘certified first-aider,’ occupational health facilities and medicines,” dagdag ni Binag.

Nabatid din na kaila-ngang magbigay ng kompensasyon ang pamunuan ng ice plant sa mga manggagawa nila na maaapek­tuhan ng pansamantalang pagsasara dulot ng ammonia leak.  

Maaari rin naman na mag-aplay ang manggagawa ng ‘financial assistance’ sa Employees’ Compensation Commission (ECC).  Nagbibigay ang ECC ng tulong pinansyal sa mga obrero na apektado ng mga kahalintulad na aksidente sa loob ng pagawaan kabilang ang pagtatamo ng pinsala at maging pagkasawi.

Inamin ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na pag-aari ng pamilya ng kaniyang ina ang TP Marcelo Ice Plant at humingi ng dispensa sa pangyayari.

vuukle comment

AMMONIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with