^

Metro

Cement mixer truck sumabit sa kable ng kuryente, 3 poste itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabunot at bumagsak ang tatlong poste ng kur­yente matapos sumabit sa kawad nito ang isang dumaraang cement mixer sa CAA Road, sa Las Piñas City, Martes ng gabi.

Dahil sa nakaladkad ang kable at marinig ang pagputok ay tuluyang nawalan ng ilaw  sa lugar dakong alas- 8:20 ng gabi.

Nahila umano ng cement mixer ang nakalaylay na kable ng kuryente na sa halip na huminto ay nagtuluy-tuloy umano ang pag-arangkada hanggang sa mabunot na ang magkakahiwalay na poste at mabuwal.

Nabagsakan ng tumumbang poste ang isang traysikel at dalawang kotse , bagama’t walang nasugatan sa insidente.

Gayunman, napuruhan ang sasakyang minamaneho ng isang Leandro Batula, na nasaktan sa ulo, habang ligtas naman ang kapatid na dentista na sakay niya.

Dahil din dito nagmistulang na-trap sa sapot, ang 3 pang traysikel at isang kotse, na nakaalis na rin ng matiwasay matapos pagtulungang alisin ang mga bumagsak na kable.

Isinara rin ang nasabing kalye sa mga motorista na nabuksan lamang alas-7:00 ng umaga kamakalawa matapos ang magda­magang pag-aayos ng Meralco sa mga poste at kable.

CAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with