^

Metro

Monthly contribution ng SSS member, tataas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Monthly contribution ng SSS member, tataas
Ayon sa SSS, ang taas sa kontribusyon ng mga mi­yembo ay para matiyak ang long-term viability ng pension fund at mapabuti pa ang benepisyong tinatanggap ng SSS members.
STAR/ File

Simula sa Enero 2021

MANILA, Philippines — Tataas na ang halaga ng monthly contribution ng mga miyembro ng  Social Security Commission (SSC) sa susunod na taong 2021.

Ayon sa SSS, ang taas sa kontribusyon ng mga mi­yembo ay para matiyak ang long-term viability  ng pension fund at  mapabuti pa ang benepisyong tinatanggap ng SSS members.

Simula January 2021 ang monthly contribution rate ay tataas ng 1 percent o magiging 13 percent mula sa kasaluku­yang 12 percent ng kanilang sahod pero hindi lalampas sa maximum monthly salary credit (MSC) ng mga miyembro.

Niliwanag ng SSS na ang pinataas na monthly contributions ay magbubunsod din ng mas mataas na savings at safety net  ng mga miyembro para sa pangangailangan sa hinaharap tulad ng sickness, maternity, disability, unemployment, old age, death, at iba pang contingencies tulad ng kawalan ng pinagkukunan ng sahod o pangangailangan sa pondo para sustentuhan ang pamilya.

Kung hindi umano gagawin ang taas sa monthly contribution ng mga miyembro ay malalagay sa alanganin ang pagkakaloob ng SSS ng benepisyo sa mga miyembro at benepisyaryo at  loan privileges.

Mula January hanggang October 2020, nag-disbursed ang SSS ng kabuuang P159.47 billion sa  social security at employees’ compensation benefits sa  3.56 million members at beneficiaries.

SSC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with