^

Metro

Number coding sa Makati suspendido

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Number coding sa Makati suspendido
Pansamantalang itinaas ng Makati City Government ang number coding para sa mahalagang araw ng bayaning si Gat Andres Bonifacio.
STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Suspendido ang number coding sa lungsod ng Makati ngayong Lunes (Nobyembre 30).

Pansamantalang itinaas ng Makati City Government ang number coding para sa mahalagang araw ng bayaning si Gat Andres Bonifacio.

“Please be informed that the number coding scheme will be lifted in Makati on November 30, 2020 (Monday) in observance of Bonifacio day,” saad ng advisory.

Samantala, ibinahagi ni Mayor Abby Binay sa isinagawang online Trainers Training on Government Digital Services ng the Asian Productivity Organization (APO) at ng Development Academy of the Philippines (DAP) noong nakalipas na Huwebes ang Makatizen App-ang kauna-unahang digital citizen app sa bansa na naglalapit ng serbisyo at impormasyon sa pagitan ng lokal na gobyerno at mamamayan.

Maaring idownload ng libre ang Makati App sa IOS and Google Play Store.

“..these times demand connectivity, and we are fast-tracking our digital transformation by finding innovative ways to better serve and connect with our Makatizens.” Ani binay.

Sa pamamagitan ng Makatizen App ay mas mabilis na naiaabot ang serbisyo at agaran ang pagsagot sa mga pangangailangan ng mga residente, bisita o turista, mag-aaral, nagtatrabaho, at nagnenegosyo sa Makati.

CODING

MAKATI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with