^

Metro

2 bodega ng mga Tsinoy, ipinasara

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasara kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno ang dalawang bodega na pinatatakbo ng dalawang negosyanteng Tsinoy dahil sa pag-iimbak ng umano’y iba’t ibang uri ng pekeng produkto na ikinakalat sa bansa.

Kabilang sa mga ipinasara ay ang bodega na pinatatakbo ni Jerry Ong sa H. Fernando Street at ni Johnson Sy sa may Caballeros Street sa Binondo.

Pinangunahan nina Bureau of Permits director Levi Facundo at Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) chief Police Major Rosalino Ibay ang pagsalakay sa dalawang establisimyento.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Permits, natuklasan na marami sa mga produktong nakaimbak dito ay mga peke at ibinibenta sa pamamagitan ng mga online selling platforms tulad ng Lazada at Shoppee.

Bigo rin ang dalawang negosyanteng Tsinoy na makapagpakita ng business permit para mag-wholesaler at occupational permits para sa kanilang mga tauhan.  Bukod dito, wala ring lisensya para makapag-operate ang da­lawa buhat naman sa Food and Drugs Authority (FDA).

“Dito sa Manila, pwede kayo business, pero kailangan permit. Hindi pwede business walang permit. Walang masamang magnegosyo sa Maynila pero kung walang permit, huwag,” paalala ni Moreno.

“Hindi kayo pwedeng siga rito, dayo lang kayo dito. Hindi kayo pwede mag hari-harian dito sa Maynila,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga produktong naabutan sa bodega ay mga pekeng shampoo, lotion, body wash, bath bombs na may tatak ng mga kilalang brands dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code ang dalawang Tsinoy at dagdag na kaso sa paglabag sa Section 199 ng City Ordinance No. 8331.

BODEGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with