MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang hindi pa kilalang lalaki nang mahulog mula sa Nagtahan Bridge, sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Inilarawan ni P/Staff Master Sergeant Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District Homicide Section ang biktima sa edad na 30-40, nasa 5’5-5’6 ang taas, medium built, nakasuot ng sweat shirt at kupas na maong na pantalon at itim na tsinelas.
Nangyari ang pagbulusok ng biktima dakong alas -6:50 ng gabi kamakalawa sa norhbound ng Nagtahan Bridge, malapit sa panulukan ng R.M. Boulevard, sa Sta. Mesa.
Sa imbestigasyon, sinabi ng saksing si Ranilo Simbajon, 28, security guard, na habang nagbibiskleta siya pauwi ng bahay nang magulat sa nakitang pagbagsak ng biktima sa kalsada.
Hindi naman nakarinig ng anumang komosyon ang ilang tagaroon sa lugar at hindi rin kilala sa lugar ang nasawi.
Nanawagan naman sa kaanak ang MPD-Homicde Section na kung tumutugma sa paglalarawan ang nawawalang kaanak ay makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.