MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ng Pasay ang ordinansa na nagbabawal sa mga pribado at pampublikong lugar, construction sites, commercial o industrial locations na lumikha ng ‘high decibel sound’ o malalakas na tunog na makakaistorbo sa mga mag-aaral sa panahon ng pandemya at sa umiiral ang distance learning classes.
Halimbawa dito ang malakas na pagpapatugtog ng videoke, maingay na gawaing konstruksyon, maingay na makina ng mga pabrika.
Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na bilang kontribusyon ng mga mamamayan sa pagsusumikap ng national government na maituloy ang pag-aaral ng mga kabataan sa gitna ng pandemya, ay dapat na makipagtulungan ang pamayanan at mga kapitbahay sa pamamagitan ng pagsunod sa City Ordinance no. 6010 o “Anti Sound Pollution in the City of Pasay” o ang “Updated ordinance prohibiting anybody from producing or playing excessive, unnecessary and unreasonable noises from any and all sources in the community within the territorial jurisdiction of the City of Pasay” na naipasa noong Hunyo 2019.
Sa nasabing ordinansa, itinakda na magmumulta ang violators ng mula sa P2,000 fine o kulong ng isang buwan sa head of the family o residential o maximum na P2,000 multa at kulong na hanggang 3 buwan sa para sa mga nagmamay-ari , presidente o general manager ng karaoke joint, night clubs, disco joints at katulad na establisyemento.
Bukod pa pagkansela ng business permits, ang presidente at general managers ay pagmumultahin na ay makukulong pa.