^

Metro

Kelot patay sa bugbog ng 2 pinsan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kelot patay sa bugbog ng 2 pinsan
Wala nang buhay nang maisugod sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Ghiefren Lawag, ng Samama 3, Brgy. Calzada Tipas, ng naturang lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay sa pambubugbog ang isang 33-anyos na lalaki makaraang ipagtanggol ang kaniyang ama sa dalawa nilang kaanak, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Wala nang buhay nang maisugod sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Ghiefren Lawag, ng  Samama 3, Brgy. Calzada Tipas, ng naturang lungsod.

Nadakip ng mga awtoridad ang magkapatid na mga suspek na sina Mark Anthony Lawag, 29, at si Michael John Lawag, 19, binata, at kapwa ng nabanggit ding barangay.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police Station, alas-8:30 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga suspek at sa tiyuhin nilang si Clemente Lawag, 63, sa may Ruhale Street, sa Brgy. Calzada Tipas.

Sa gitna ng pagtatalo, sinaklolohan ni Ghiefren ang ama ngunit sinalubong siya ng malakas na suntok sa mukha ng magkapatid na suspect dahilan para bumagsak ito.  Hindi pa nasiyahan ang mga suspect at patuloy na binugbog ang biktima hanggang sa tuluyang mawalan ng malay at maligo sa sariling dugo.

Natigil lamang ang karahasan nang rumesponde ang mga tauhan ng barangay na nagpatupad ng pag-aresto sa  mga suspek.  Alas-10:25 ng gabi nang isuko ang magkapatid na suspek sa Station Investigation and Detective Management Section ng Taguig Police.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong murder sa Taguig City Prosecutor’s Office at nakaditine na sa Taguig City Police Station Custodial Jail.  Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

LAWAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with