MANILA, Philippines — Isang lalaki ang panibagong biktima ng hit- and-run sa lungsod ng Maynila, kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang nasawi na si Dilfredo Dionson Baclaan, 40, binata, ng Arroceros St., Doctor Basa, Ermita, ng natu-rang lungsod.
Sa ulat ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District, alas-2:10 ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag ukol sa isang aksidente na naganap sa may Roxas Boulevard malapit sa kanto ng Remedios St. sa Brgy. 699 Zone 76 Malate.
Dito inabutan ng mga pulis ang biktima na duguan sa kalsada. Rumesponde naman ang ambulansya ng MMDA ngunit idineklara ng kanilang team leader na wala nang buhay ang biktima.
Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang MPD Traffic Enforcement Unit kabilang ang pagsusuri sa CCTV camera sa lugar sa pag-asang matutukoy ang uri ng sasakyan at ang tsuper na tumakbo sa kaniyang biktima.