MANILA, Philippines — Anim na magkakapitbahay ang naaresto ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station, Criminal Investigation Unit sa aktong naglalaro ng ‘pusoy’ sa Barangay Alabang, Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Presidential Decree 1601 (illegal gambling) sa Muntinlupa Prosecutor’s Office ang mga suspek na kinilalang sina Christian Sapin, 22; Jhun Mark Dionisio, 19; Maricel Barri, 40; Rogelo Balberan, 62; Ramon Sapin, 56; at Marie Jean Ancheta, pawang residente ng Wawa Street, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.
Sa ulat ni P/Executive Master Sgt. Edward E Rodriguez, dakong alas 10:00 ng gabi ng Mayo 9, 2020 nang arestuhin ang mga suspek sa No. 148 Wawa Street, Brgy. Alabang, Muntinlupa City. Nagpapatrulya ang mga awtoridad para sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at 24-hours curfew ordinance nang matiyempuhan ang mga suspek sa aktong nagsusugal sa bangketa sa tapat ng isang bahay, sa Wawa St.
Inaresto ang pito, sinamsam ang baraha at betting money na P740.