Mobile Botika, Bank on Wheels nag-iikot sa Caloocan
MANILA, Philippines — Bunsod sa patuloy na banta ng COVID-19, patuloy din ang iba’t ibang serbisyo ng Caloocan City tulad ng Mobile Botika at Bank on Wheels upang mas maging madali at convenient sa mga residente ang pamumuhay.
Ito ang binigyan diin ni Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) Engr. Jay Bernardo bilang tugon na rin ito sa pinaiiral na social distancing at matagal na paghihintay.
Ayon kay Bernardo libreng namimigay ng gamot at vitamins ang Mobile Botika bilang panlaban sa sakit. Prayoridad na mabigyan ang mga bata at senior citizens.
Ani Bernardo inaabisuhan ang mga residente sa araw ng pag-iikot ng Mobile Botika. Sa katunayan nagbigay sila ng libreng gamot sa Brgy. 184, Brgy. 182, Brgy. 176 Ph. 5, Brgy. 176 Ph. 8B, Brgy. 171, Brgy. 64, Brgy. 49 at Brgy. 37.
Naghatid serbisyo din ang “Bank on Wheels”. Dalawang Mobile ATM ang nag -iikot at nagsisilbi sa mga residente upang makapag- withdraw ng cash gamit ang ATM cards ng local at international banks.
Nagpapasalamat naman ang mga residente kay Mayor Oca Malapitan at sa lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan sa Philippine National Bank (PNB) para sa serbisyo ng “Bank on Wheels sa lungsod.
- Latest