Dialysis patients libreng sasailalim sa COVID-19 testing sa Valenzuela City

MANILA, Philippines — Libreng sasailalim sa CO­VID-19 testing ang mga dialysis patients sa Valenzuela City.

Ito ang inihayag kahapon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian kasabay nang pagsasabing sisimulan ang pagkuha ng swab sample sa lahat ng dialysis patient na residente ngayong araw.

Libre aniyang isasagawa ang proseso sa dialysis patients.

Para makapagpa-schedule o sa iba pang katanungan, maaari anilang makipag-ugnayan sa City Epidemiology and Surveillance Unit sa numerong 8352-5000.

Samantala umakyat na sa 53 ang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit hanggang 1:00, Huwebes ng hapon (April 16), isa ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Nagpositibo ang isang 34-anyos na lalaking hospital frontliner.

Tiniyak naman ng CESU na mahigpit na tinututukan ang mga confirmed CO­VID-19 cases at nagsasagawa ng contact tracing.

Show comments