PhilStar Media Group inilunsad ang ‘Tala para sa Kapwa’ fundraising project

Bilang pakikiisa, ang buong PhilStar Media Group (PMG) sa pakikipagtulungan ng Operation Damayan, ay naglunsad ng isang fundraising at information drive. Ang “Tala para sa Kapwa” ay naglalayon na makakalap ng pondo upang makatulong magbahagi ng ilan sa mga pangunahing pangagailangan ng ating mga frontliners tulad ng pagkain at mga Personal Protective Equipment (PPE). Layunin din ng programang ito na magpaabot ng kaun­ting tulong sa mga pamilyang lubos na naapektuhan dahil sa ipinatupad na Luzon-wide Lockdown.

MANILA, Philippines — Sa gitna ng patuloy na paglala ng krisis na kinahaharap ng bansa laban sa Corona­virus disease 2019 o CO­VID-19, tumutugon sa napakalaking tungkulin at sakri­pisyo ang ­ating mga health workers at iba pang frontline workers upang pagtagumpayan ang pan­demya kung saan nakataya ang ating kinabukasan.

Bilang pakikiisa, ang buong PhilStar Media Group (PMG) sa pakikipagtulungan ng Operation Damayan, ay naglunsad ng isang fundraising at information drive. Ang “Tala para sa Kapwa” ay naglalayon na makakalap ng pondo upang makatulong magbahagi ng ilan sa mga pangunahing pangagailangan ng ating mga frontliners tulad ng pagkain at mga Personal Protective Equipment (PPE). Layunin din ng programang ito na magpaabot ng kaun­ting tulong sa mga pamilyang lubos na naapektuhan dahil sa ipinatupad na Luzon-wide Lockdown.

Ang buong pamunuan ng PhilStar Media Group ay nananawagan ng tulong, pinansyal o anumang anyo, upang mabilisang maihatid ang tulong na ito sa ating mga kababayan.

Noong nakaraang linggo lamang naghatid ang PMG ng tulong sa Maynila at Que­zon City gamit ang tulong pinansyal galing sa mga donors, ang Ayala Corporation, Metrobank Foundation, Roberto Coyiuto, pamilya ni Inigo Zobel at Anthony Trillo.

Dagdag pa sa pamamahagi ng relief goods, papalawakin rin ng PhilStar Media Group ang pagpapakalat ng tama at makatutulong na mga impormasyon upang labanan ang COVID-19 sa pamamagitan ng video explainers, native articles, social media posts, at COVID Watch Page print special.

Ang PhilStar Media Group ay binubuo ng The Philippine STAR, Pilipino STAR Ngayon, Pang-Masa, The Freeman, Banat at BusinessWorld pati na ang kanilang mga websites at social media accounts.

Lubos kaming nagpapasalamat sa ating mga health workers at iba pang frontline workers sa pag-aalay ng inyong mga buhay para sa labang ito.

Sa ating kooperasyon at tulong, sama-sama na­ting ibabangon ang bansa ng may lakas upang harapin ang darating pang hamon ng kinabukasan.

Maaari kayong magbigay ng tulong pinansyal gamit ang account na ito:

PhilStar Daily Inc. / Ope­ration Damayan Metrobank Savings Account No.: 151-7-15152422-9

Show comments