^

Metro

Malabon City nanawagan ng dagdag na supply sa tubig vs COVID

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MALABON CITY , Philippines  — Hinimok ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang mga kompanyang responsable sa suplay ng tubig sa lungsod tulad ng Maynilad at Manila Water na dagdagan ang suplay ng tubig sa mga kabahayan sa Malabon mula sa matitipid nilang tubig na nakalaan sa mga mall at iba pang komersyal na establisimento, alinsunod na din sa “community quarantine” na ipinatutupad ngayon sa Luzon.

Aniya, paalala ng  Department of Health na  maha­laga ang  tubig bilang panlaban sa  COVID-19 kasabay ng wastong paghugas ng kamay at tamang personal hygiene maaaring maiwasan ang pagkalat nito. 

“Sa pagsara ng mga mall at mas maiksing operating hours ng iba pang establishments, may matitipid tayong kaunting tubig diyan na maaaring ipagamit naman sa mga residente,” ani Oreta.

Simula pa nang nakaraang taon ay nakakaranas na ng problema sa suplay ng tubig ang Malabon at ikinababahala ng alkalde kung magpapatuloy ito.

Kamakalawa ay ipinatupad na ang enhanced community quarantine  sa buong Luzon na striktong ipapatupad sa lahat ng kabahayan kabilang na ang suspensyon ng transportasyon at “non-essential travels.”

LENLEN ORETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with