^

Metro

242 dayuhan sa ‘human trafficking’, ipinadeport

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May 242 mga dayuhan  ang pinabalik sa kanilang port of origin matapos na matuklasan na magta-trabaho nang ilegal ang mga ito dito sa Pilipinas.

Ayon kay Immigration Commisioner Jaime Morente, ang nasabing exclusion order ay isinagawa matapos na ‘sibakin’ mula sa kanilang puwesto ang may 800 Immigration officers sa NAIA dahil sa kontrobersiyal na ‘pastillas’ modus na ibinun­yag ng isang emple­yado nito.

Nabatid sa ulat, na 79 banyaga ang pinaalis sa NAIA terminal 1 samantalang 33 sa NAIA 2 habang 130 ang sa NAIA terminal 3.

Sinabi ni BI Intelligence Chief Fortunato ‘Jun’ Manahan Jr., na karamihan sa mga dayuhan ay dumating sa ibat-ibang daungan sa bansa pero natuklasan na magta-trabaho ng ilegal sa ibat-ibang lugar ng Metro Manila.

Ayon kay Manahan,  ang mga dayuhan ay kinabibilangan ng mga Cambodians, Vietnamese, Indonesians, Myanmars, Malaysians at Chiese nationals na pinagdadakip noong nakaraang linggo.

JAIME MORENTE

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with