QUEZON CITY, Philippines — Sinimulan nang Quezon City government ang pagbabawal sa single-use plastic o disposable materials sa mga hotel at restaurant sa lungsod.
Ito ay sinimulang ipatu-pad noong nakalipas na Pebrero 15, base sa local ordinance na naipasa noong nakalipas na taon.
Magugunitang unang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bibigyan nila ng sapat na panahon ang mga commercial establishment para sa transition at ang ban ay ipapatupad sa kalagitnaan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.
Ang naturang ordinansa ay ginawa ng Quezon City kasunod sa iba pang lungsod sa Metro Manila para masolusyunan ang plastic waste problem.
Madalas umanong ang mga plastic na ito ang bumabara sa mga daluyang tubig na nagiging sanhi ng matin-ding pagbaha.
Kabilang ang Pilipinas sa sinasabing pangunahing plastic polluters sa buong mundo.
Una na ring binanggit ni Belmonte na nakatakda na ring i-ban ng lungsod ang paper bags sa groceries sa susunod na dalawang taon kaya hinikayat nito ang mga consumer na magdala na lamang ng reusable bags.
Ang ilan pang lungsod sa Metro Manila na nag-regulate na rin sa plastics ay ang Muntinlupa, Pasig, Makati, Las Piñas, Pasay and Parañaque.