^

Metro

Single-use plastic sa hotels, resto sa Quezon City simula na

Pilipino Star Ngayon
Single-use plastic sa hotels, resto sa Quezon City simula na
Magugunitang unang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bibigyan nila ng sapat na panahon ang mga commercial establishment para sa transition at ang ban ay ipapatupad sa kalagitnaan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.
CC By 2.0

QUEZON CITY, Philippines — Sinimulan nang Quezon City government ang pagbabawal sa  single-use plastic o disposable materials sa mga hotel at restaurant sa lungsod.

Ito ay sinimulang ipatu-pad noong nakalipas na Pebrero 15, base sa local ordinance na naipasa noong nakalipas na taon.

Magugunitang unang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bibigyan nila ng sapat na panahon ang mga commercial establishment para sa transition at ang ban ay ipapatupad sa kalagitnaan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.

Ang naturang ordinansa  ay ginawa ng Quezon City kasunod sa iba pang lungsod sa Metro Manila para masolusyunan ang plastic waste problem.

Madalas umanong ang mga plastic na ito ang buma­bara sa mga daluyang tubig na nagiging sanhi ng matin-ding pagbaha.

Kabilang ang Pilipinas sa sinasabing pangunahing plastic polluters sa buong mundo.

Una na ring binanggit ni Belmonte na nakatakda na ring i-ban ng lungsod ang paper bags sa groceries sa susunod na dalawang taon kaya hinikayat nito ang mga consumer na magdala na lamang ng reusable bags.

Ang ilan pang lungsod sa  Metro Manila na nag-regulate na rin sa plastics ay ang Muntinlupa, Pasig, Makati, Las Piñas, Pasay and Parañaque.

JOY BELMONTE

PLASTIC BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with