Batangas nagpasalamat sa San Antonio, Pasig

Sa donasyong footwears

BATANGAS, Philippines — Pinasalamatan at pinuri ng Local Govern­mnet Units (LGUs) ng Batangas City ang Barangay San Antonio, Pasig City dahil sa pagdodonasyon ng mga tsinelas at rubber shoes sa kanilang mga residente na apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.

Sa Sangguniang Panla­lawigan Resolution No. 085-R5, pinuri ng provincial government ng Batangas si Barangay San Antonio, Pasig Chairman Raymond Lising sa pagtulong sa Batangas at kanilang mga constituents noong panahon ng kanilang pangangailangan.

Sa kaniyang panig, pinasalamatan naman ni Lising ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa komendasyong iginawad sa kanila.

Matatandaang nitong Enero, nagtungo ang mga opisyal ng Barangay San Antonio, sa pangunguna ni Lising, at namahagi ng 2,700 bagong mga sapatos at tsinelas sa mga residente ng Mahabang Parang, Talaibon at Ibaan sa Batangas.

Ayon kay Lising, isang shoe company ang nag-donate ng 1,500 pares ng sapatos, habang isa pang footwear company ang nagbigay naman ng 1,200 pares ng tsinelas na itinurn-over sa Junior Chamber International Ortigas (JCI-ORTIGAS Chapter), na siya namang nagbigay sa Barangay San Antonio.

Pinasalamatan rin ni Lising ang lahat ng donors sa kanilang kabutihang loob at inihayag na, sa mga ganitong panahon ng pangangailangan, gaya ng panahon ng kalamidas, dapat na magsama-sama at magtulungan.

Show comments