P58.50 milyong nailabas na calamity assistance ng SSS noong 2019
MANILA, Philippines — Umaabot sa P58.50 milyon halaga ang naipalabas ng Social Security System (SSS) sa may 5,707 miyembro at 25 pensioners na nakakuha ng Calamity Assistance Packages (CAPs) noong 2019.
“It has been a heart-breaking year when typhoons and earthquakes hit and damaged the homes and affected the livelihood of our fellow Filipinos all over the country. True to our mandate in providing social security protection to Filipino workers, we are glad that in our own little way, we were able to provide assistance to those who were affected by natural disasters to help them recoup from their losses,” pahayag ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.
Anya sa lahat ng CAP na nabuksan ng SSS noong 2019, naglaan ang ahensiya ng mahigit P2.13 bilyon para asistihan ang kahit may 10 percent ng mga identified potential borro-wers at pensioners na naapektuhan ng kalamidad.
Sinabi ni Ignacio na ang calamity loan assistance ay iba pa sa regular salary loan na naipagkakaloob ng SSS sa mga miyembro at pensioners.
Ang mga miyembro ay maaaring makahiram ng hanggang P20,000 sa calamity loans depende sa kanilang monthly salary credit sa nagdaang 12 buwan samantalang ang mga pensioners ay maaaring makapag advance ng tatlong buwan ng kanilang buwanang pension.
Ang calamity loan ay babayaran sa loob ng dalawang taon na may annual interest rate na 10 percent at 1 percent monthly penalty para sa late payments.
Maaari ring makahiram ang mga miyembro ng hanggang P1 milyon para sa direct house repair at improvement loan at dapat ang aplikante ay hindi lampas 60 years old at may halos 24 monthly contribution.
Sa mga may tanong, maaaring tingnan ang SSS website na sss.gov.ph o pumunta sa pinakamalapit na SSS branch para malaman kung qualified sa programa.
- Latest