Mag-asawang ‘tulak’, timbog

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/ Brigadier General Ronnie Montejo, ang mag-asawang suspek na sina Columbus Creselcio, alyas Boyet, 57 at misis nito na si Rosalie Creselcio, 55.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Timbog ng mga awtoridad, ang isang mag-asawa at tatlo pang kasapakat sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kahapon  ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/ Brigadier General Ronnie Montejo, ang mag-asawang suspek na sina Columbus Creselcio, alyas Boyet, 57 at misis nito na si Rosalie Creselcio, 55.

Nadakip din ang tatlong kasabwat ng mag-asawa sa kanilang ilegal na gawain na sina Augusto Rodriguez, alyas Ogo, 49; Rodelio Pellazo, 46 at John Cerma Del Rosario, 21 na pawang residente Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City. 

Ayon kay Gen. Montejo, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa Saint Luke St., San Paulo Subdv., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches. 

Nakuha sa mag-asawa ang walong sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P27,200 isang cell phone na ginagamit sa drug transaction, buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek habang sila ay nakakulong sa QCPD Intergrated Jail.

Show comments