MANILA, Philippines — Tatanggap na ng taas sahod ang lahat ng empleyado ng Quezon City hall, regular man o contractual mula ngayong buwan ng Enero.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang hakbang ay reporma ng lokal na pamahalaan hinggil sa salary program at tuloy maipatupad ang itinakdang wage rate ng Department of Labor and Employment (DOLE)
“I was happy to announce that QC will be one of the LGUs that will strictly abide by the law of giving minimum wage to all its employees starting this month-both contractual and regular employees” pahayag ni Mayor Belmonte sa kanyang mensahe sa flag raising ceremony kahapon.
Ang lahat ng contractual personnel at job order employees na nasa ilalim ng executive department na tumatanggap ng mas mababa sa minimum pay ay bibigyan ng sahod na P590 per day o may kabuuang P13,000 per month alinsunod sa itinatakda ng DOLE.
“It is high time that we raise the salary of our employees who are tirelessly working for our constituents. It is their right to be entitled to what is indicated in the law,” dagdag ni Belmonte.
Sinabi ni Belmonte na ang desisyon ay ginawa makaraang mapag-aralan ang city hall’s roster of human resources at madiskubre na ilan sa mga empleyado ay tumatanggap pa ng mas mababa sa minimum pay kahit na nagtatrabaho ng may 40 oras o higit pa sa isang linggo lalo na yaong mga community health workers.
May 4,667 non-plantilla contractual at job order personnel mula sa executive branch ng city hall an mabebenepisyuhan ng taas sahod.
May P152 milyon ang inilaan ng QC government para sa taas sahod ng mga manggagawa ng QC hall.