Drug suspect huli sa Port Area

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nitong Sabado nang maaresto ang suspek sa Railroad Drive malapit sa panulukan ng Roberto Oca St., Port Area, dakong alas-5:00 ng hapon.
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang isang 40-anyos na drug suspect matapos masakote ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 5 sa ikinasang buy-bust operation sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa  Manila Prose­cutor’s Office sa paglabag sa Section 5 (Selling of Dangerous Drug), Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug) at Section 15 (Use of Dangerous Drug) Article II ng Republic Act  9165 o Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na si Darwin Balisacan, alyas “Boss”, at residente  ng 11th Street, Port Area,  Maynila.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nitong Sabado nang maaresto ang suspek sa Railroad Drive malapit sa panulukan ng Roberto Oca St.,  Port Area, dakong alas-5:00 ng hapon.

Nabatid na nakakuha ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagbebenta ng suspek ng ilegal na droga sa nasabing lugar kaya isang poseur-buyer ang naunang bumili sa kanya, bago sumalakay ang iba pang ope­ratiba.

Bukod sa isang sachet ng shabu na nabili ng pulis sa suspek, narekober din ang 8 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P37,740.00 at marked money.

Nabatid na nasa drug watch list ang suspek dahil sa matagal na nitong ilegal na gawain.

Show comments