^

Metro

Pagsalubong sa 2020 payapa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagsalubong sa 2020 payapa
Ito ang nabatid kay NCRPO Director PBGen. Debold Sinas na nagsabing pinakamalaking kontribusyon umano rito ang pagbabawal sa pagbebenta at pagpapaputok ng ilang uri ng paputok at pailaw at kampanya ng pamahalaan na gumamit na lamang ng mga alternatibong paraan ng pag-iingay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mapayapa ang naging pagdiriwang sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Metro Manila makaraang walang maitalang malaking insidente ng karahasan at krimen habang malinis din ang mga pulis ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa pagpapaputok ng baril.

Ito ang nabatid kay NCRPO Director PBGen. Debold Sinas na nagsabing pinakamalaking kontribusyon umano rito ang pagbabawal sa pagbebenta at pagpapaputok ng ilang uri ng paputok at pailaw at kampanya ng pamahalaan na gumamit na lamang ng mga alternatibong paraan ng pag-iingay.

Inaresto ng mga pulis ang nasa 20 luma­labag sa ‘firecracker ban’ habang tinatayang nasa P491,000 halaga ng mga iligal at walang permisong paputok ang nasamsam sa Kamaynilaan.

Tinataya naman na nasa 144 ang mga biktima ng paputok base sa datos ng NCRPO.  Kabilang dito ang 28 sa Northern Police District, 16 sa Eastern Police District, 69 sa Manila Police District, lima sa Southern Police District at 26 sa Quezon City Police District.

Kinilala rin ni Sinas ang kooperasyon ng publiko sa hindi paggamit ng paputok at pagpapaputok ng baril na sa mga nakaraang selebrasyon ay kumitil ng ilang buhay.

DEBOLD SALINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with