MANILA, Philippines — Binalaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanyang nasasakupan na maging mapili at mag-ingat sa pagbili ng mga produktong karne sa mga wet market, supermarket at groceries ngayong holiday season.
Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang makakumpiska ang QC Veterinary’s Office ng produktong karne mula sa isang supermarket na may senyales na ‘unhealthy’ na magdudulot ng panganib sa kalusugan ng mamamayan.
Kaugnay nito, inatasan ni Belmonte ang City Veterinary’s Office na round the clock na galugarin ang mga pamilihan upang matiyak na malinis, ligtas at sariwa ang mga naibebentang mga produktong karne sa mga mamimili.
Ang mga karne na hindi dapat bilhin ay makikita sa kanilang balat na mala-pinkish ang kulay, hindi mabaho, at walang namumuong dugo ang karne.
“The City Veterinary’s Office is leaving no stone unturned in ensuring that the meats being purchased by local residents are safe and from trusted sources,” pahayag ni Belmonte.